Pumanaw na ang veteran actress na si Amalia Fuentes sa edad na 79.
Inanunsyo ni Alyanna Martinez; apo ng nasabing aktres, ang pagpanaw ni Fuentes ngayong umaga ng Sabado, Oktubre 5.
Ayon sa ulat, pumanaw ang aktres dahil sa multiple organ failure.
Magugunitang binansagang, ‘Elizabeth Taylor of the Philippines’ si Fuentes dahil sa pagkakahawig niya sa Hollywood actress.