Suspek na rin sa pagpaslang ng kanyang asawa ang ama na pumatay sa dalawa nitong anak sa Taguig City noong mismong araw ng Pasko.
Ayon kay Taguig City Police Chief Col. Celso Rodriguez, pinalabas lamang suspek na si Aiko Siancunco na nagpatiwakal ang kanyang asawa na si Carina.
Batay na rin aniya ito sa salaysay ng mga testigo at kaanak ng mag-asawa.
Ani RODRIGUEZ, lumabas sa kanilang imbestigasyon na sinakal ni Siancunco ang asawang si Carina saka ibinigti para paniwalain ang pulisya at kamag-anak ng biktima na nagpakamatay ito.
Magugunitang, sumuko si Siancunco noong December 25 matapos patayin ang isang taon gulang at tatlong taom gulang na mga anak.
Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa depresyon bunsod aniya sa pagpapakamatay ng asawa na breadwinner ng kanilang pamilya.