Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos “Bongbong” Junior ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior sa inaugural address nito.
Ayon kay PBBM, nagpatayo ang kanyang ama sa termino nito ng maraming imprastraktura at nakapag-produce ng mas maraming bigas sa bansa.
Samantala, aminado naman ang nakababatang Marcos na hindi siya interesadong mang-akin ng tagumpay ng iba sa halip nais niyang ituloy anumang nasimulan ng dating administrasyon.