Inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang maitutulong ng Philippine Development Plan (PDP) upang palakasin ang ekonomiya sa bansa.
Ito ang kumpiyansang sinabi ni NEDA secretary Arsenio Balisacan, na mararamdaman sa susunod na anim na taon.
Ayon kay Balisacan, magiging matagumpay lamang ito sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga institusyon at departamento.
Maari anyang masira ito kung hindi magagampanan ng maayos ang trabaho.
Samantala, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na aprobado na ng PDP na maglalagay ng iisang direksyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga prayoridad na programa ng Pangulo. —sa panulat ni Jenn Patrolla