Naghain ng protesta at pinadalhan ng summon ng Kuwaiti Government si Philippine Ambassador Renato Pedro Villa matapos ang umano’y di tamang paraan ng pagsagip nito sa distressed Filipino workers doon.
Base sa Kuwait News Agency o KUNA, iprinotesta ng kanilang gobyerno si Villa kahapon, sabado, dahil sa mga maaanghang nitong komento laban sa Arab state.
Ayon pa sa KUNA, pinadalhan ng summon ang Philippine Diplomatic Staff sa Kuwait kasunod ng umano’y “inappropriate behavior” o di katanggap-tanggap na mga hakbang nito hinggil sa pagrescue ng mga distressed OFWs na makikita sa video na ibinalita sa isang kilalang TV network.
Una nang napadalhan ng summoned si Villa noong nakalipas lamang na Biyernes, Abril 20 dahil din sa kaparehong reklamo.
Samantala, iniulat naman ng Arab times na inalmahan din ng Kuwaiti members of parliament ang deployment ng Philippine Rescue Team doon dahil malinaw daw na paglabag ito sa soberenya ng kanilang bansa.
Dagdag pa ng KUNA, nakilala na at na-track down na daw ng Kuwaiti authorities ang tatlong filipino workers na tumulong sa pagsagip sa isang kasambahay na OFW.