Nagpakawala na ng tubig ang dalawang pangunahing dam sa lalawigan ng Benguet na Ambuklao at Binga dam.
Bunsod ito ng matinding pag-ulang nararanasan sa nasabing lalawigan na dala ng bagyong Karen na kasalukuyang tumatawid sa Luzon.
Ayon kay Virgilio Garcia, hydrologist mula sa National Power Corporation o NAPOCOR, isang gate ang nakabukas sa ambuklao makaraang umabot sa 751 meters ang water level o 23 centimeters bago sumapit sa spilling level na 752 meters.
Habang umabot naman na sa 574 metres ang lebel ng tubig sa Binga Dam na malapit na rin sa spilling level nito na 575 meters na siyang dahilan kaya’t nagpakawala na rin ng tubig.
Dahil dito, inaasahang bababa ang tubig na pinakawalan ng dalawang dam sa San Roque Dam sa Pangasinan na siyang dahilan para madagdagan ang lebel ng tubig dito.
By: Jaymark Dagala