Tig-isang gate ang binuksan sa Ambuklao at Binga dams sa Benguet ngayong araw ayon sa PAGASA.
Kaninang alas-6 ng umaga, sa 0.5 meters binuksan ang gate ng nabanggit na mga dam.
Nasa mahigit 751 meters naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao habang nasa 571 naman ang Binga dam.
Kahapon, nagpakawala ng tubig ang Magat dam sa Isabela at Ifugao dahil sa inaasahang malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng maring.