Aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa botong 176-30 ang panukalang batas na layuning magpataw ng mas mataas na buwis sa sigarilyo simula sa susunod na taon.
Ipinapanukala rin sa Bill 4144 na iniakda ni ABS Partylist Rep. Eugene Michael de Vera na panatilihin ang two-tier excise tax rates sa sigarilyo base sa kanilang retail prices.
Alinsunod sa bill, 32 pesos na ang tax rate per pack ng sigarilyo mula sa kasalukuyang 25 pesos na may retail price na P11.50 pababa at 36 pesos para sa mga nagbebenta ng higit sa P11.50 per pack.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang single rate ng 30 pesos per pack kahit magkano ang retail price ay sisimulang ipatupad sa Enero 1 ng susunod na taon.
By Drew Nacino