Nagdesisyon na ang American boyfriend ng komedyanteng si Pokwang na iwan ang pamumuhay sa Estados Unidos at lumipat na dito sa Pilipinas upang makasama ang komedyana.
Ayon sa American actor na si Lee O’Brien, aalis siya sa Disyembre patungong Amerika para ayusin ang ilang bagay at pagbalik aniya ay permanente na siyang maninirahan sa Pilipinas kasama ni Pokwang.
Kuwento ni Lee handa kaya niyang iwan ang lahat alang -alang kay Pokwang.
Sinabi nito na napakaswerte niyang tao at kanyang nakilala si Pokwang.
Bilang tugon, nagpasalamat naman si Pokwang sa foreigner niyang boyfriend para aniya sa pagmamahal at pagtitiyaga nito sa kanya.
Umaasa rin ang komendyana na magiging forever ang kanilang relasyon ni Lee.
By Ralph Obina