Pumanaw na ang American college student na si Otto Warmbier na pinalaya ng NORTH korea noong nakaraang linggo.
Si Warmbier ay na-coma nang palayain matapos ang mahigit isa’t kalahating taon na pagkakakulong sa North Korea.
Sa ipinalabas na pahayag ng mga magulang ni Warmbier, sinabi ng mga ito na hindi na kinaya ng 22-anyos na college student ang naranasang torture at pang-aabuso habang ito ay nakakulong.
Ayon sa mga doktor ni Warmbier, siya ay dumanas ng severe neurological injury sa hindi malamang dahilan.
Matatandang, si Warmbier ay inakusahan ng pagnanakaw ng isang propaganda banner habang nasa tour sa North Korea at hinatulan sa kasong umano’y pagpapabasak sa nasabing bansa.
By Krista de Dios
American college student na pinalaya ng NoKor sumakabilang buhay na was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882