Pinagmumulta ng National Football League (NFL) sina Green Bay Packer American Football Quarterback Aaron Rodgers at receiver na si Allen Lazard, matapos labagin ng dalawa ang COVID-19 health protocol ng dinaluhang party.
Sa imbestigasyon ng NFL, napag-alamang hindi pa bakunado sina Rodgers at Lazard nang umattend ang mga ito sa kanilang team’s party
Inaasahang makapagbabayad ng $14,650 ang dalawa.
Samantala, lumabas rin sa imbestigasyon ng NFL na may araw na hindi nagsusuot ng face coverings si Rodgers habang nasa loob ng packer’s facility.
Sinimulan ang pagsisiyasat sa team ng Green Bay Packer, matapos magpositibo si Rodgers sa sakit na Coronavirus at nang magsinungaling ito sa mga reporters patungkol sa kanyang vaccination status. —sa panulat ni Joana Luna