Patas ang pagtingin ng sistemang panghustisya sa ating bansa.
Ito ang binigyang diin ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos ma-convict ang American pedophile na si David Timothy Deakin.
Ayon kay Guevarra, tunay na gumagana ang justice system sa bansa nang ibaba ni Judge Irineo Pangilinan Jr. ng Angeles City Regional Trial Court Branch 58 ang sentensiyang habambuhay na pagkakabilanggo laban kay Deakin.
Bukod dito, pinagbabayad din ng P2 milyon na danyos o multa si Deakin makaraang mapatunayang guilty sa tatlong bilang ng kasong “large-scale qualified trafficking in persons.”
Si Deakin din ang kauna-unahang bilanggo sa bansa na nahatulan sa kasong trafficking sa pamamagitan ng online proceedings sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.