Hindi naitago ng American pop singer na si Maggie Lindemann ang kaniyang pagkadismaya makaraang maaresto ito sa bansang Malaysia.
Ayon sa pamunuan ng Malaysian Immigration, kulang sa kaukulang permit si Lindemann na kinakailangang hawak ng isang music artist upang payagan itong makapagtanghal sa kanilang bansa.
Kasalukuyang nagsasagawa ng asian tour si Maggie subalit napilitan siyang huwag nang ituloy ito dahil sa naturang pangyayari.
Magugunitang inaresto ang 20 anyos na US pop singer habang kumakanta sa isang shopping mall sa Kuala Lumpur kamakailan.