Nagbigay ng mensahe si American singer Nick Carter matapos ang pagpanaw ng kaniyang kapatid na si Aaron Carter sa edad na 34 na isa ring kilalang singer-rapper.
Sa Instagram post ni Nick, ibinahagi niya ang isang larawan kasama si Aaron kung saan, kaniyang sinabi na kahit kumplikado ang kanilang relasyon nilang magkapatid ay nananatili parin ang pagmamahal nito sa kaniyang kapatid.
Bukod kay Nick, nagbigay din ng mensahe ang fiancée ni Aaron na si Melanie Martin, kung saan, malaking hamon umano para sa kaniya ang palakihin ang kanilang anak ng walang ama at mag isa sa buhay.
Nabatid na si Aaron ay natagpuang wala nang buhay sa isang bath tub sa kanilang bahay sa Lancaster, California kung saan, walang nakitang foul play o ebidensya ang mga otoridad sa pagkamatay ng singer.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Aaron.