Pasok sa Women’s Tennis Association hardcourt tournament finals si American tennis player Shelby Rogers na naganap sa San Jose State University, California, USA, kahapon
Ito’y matapos umiskor si Rogers ng 6-3, 6-4 na puntos laban kay 19th-ranked Veronika Kudermetova.
Matatandaang unang nakatuntong sa finals si Rogers noong 2016 at inaasahang makakalaban nito sa finals si Spain tennis player Paula Badosa o si Daria Kasatkina.