Hindi matutuloy ang “Iconic” concert tour nina OPM icons Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa North America dahil sa coronavirus pandemic.
Sa kanyang social media accounts, nag-post ng kanyang postponement advisory si Sharon at sinabing matagal din nilang pinag-isipan at pinag-aralan ang kanilang desisyon.
Ayon kay Sharon, ngayong May 2020 sana magsisimula ang kanilang tour pero dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay nagpasya silang ipagpaliban ito.
Matatandaang dinumog din ng mga fans ang dalawang gabing “Iconic” concert nina Sharon at Regine sa Araneta Coliseum noong October 2019.