Kapwa nagpakita ng pambihirang kooperasyon o pagtutulungan ang Estados Unidos at Iran sa gitna ng napakatagal nang hindi pagkakaunawan at paglalaban ng 2 bansa.
Ito ay matapos parehong palayain at magpalitan ng kani-kanilang political prisoner ang ng U.S. at Iran.
Sa tulong ng Switzerland, pinalaya ng Iran ang American citizen na si Xiyue Wang na 3 taon nang nakakulong sa nabanggit na bansa dahil sa alegasyon ng pang-iispiya.
Habang pinalaya at ipinalit naman ng United States ang Iranian na si Massoud Soleimani na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ipinataw na sanction ng america laban sa Iran.
Kasunod nito, umaasa ang isang opisyal ng U.S. na magtutuloy-tuloy na ang pagpapalaya sa iba pang mga amerikanong nakakulong sa Iran.