Bukas ang Amerika na makipag – alyansa sa China para tuligsain ang ginagawang panggugulo ng North Korea.
May kaugnayan ito sa patuloy na nuclear programme ng Pyongyang sa rehiyon na itinuturing ng Amerika bilang clear and present danger.
Ayon kay US Defense Secretary James Mattis, inutusan sya ni US President Donald Trump na makipag ugnayan kay Chinese President Xi Jinping para sa dagdag na suporta sa panawagan ng US na pagkakaisa ng mga bansa sa Asia – Pacific kontra sa NoKor.
Ngunit sa kabila nito ay nanatili naman ang apela ng Amerika na itigil ng China ang reclamation ng mga man – made islands sa South China Sea.
By Rianne Briones