Dapat nang ikonsidera ng Amerika ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa mga drug dealer.
Ayon mismo ito kay US President Donald Trump na pinuri ang ilang mga bansang nagpapataw ng death penalty sa mga tulak o nagbebenta ng droga.
Ayon kay Trump, kung may death penalty para sa mga taong namaril o nanaksak, bakit hindi ito gawin din sa mga drug dealer na kayang pumatay ng 5 libong katao sa pamamagitan ng epekto ng iligal na droga?
Giit ni Trump, kailangan na nilang umaksyon para mapangalaagan ang kanilang mga kabataan at mga pamilya.
Una nang lumabas ang ulat na pinuri umano ni Trump ang istilo ng war on drugs ng administrasyong Duterte at nagpahiwatig na plano itong gayahin.