Gumagawa na ng bakuna ang Amerika laban sa novel coronavirus (nCoV).
Ipinabatid ito ng National Institutes of Health (NIH) kasabay ang pagtiyak ng US government na magpapadala ng sariling team sa ground o sa Wuhan City para kumuha ng raw data at pag-aralan ang pathogen ng nasabing virus.
Tinatayang aabutin ng tatlong buwan ang pagbuo ng NIH ng anti-nCoV vaccine bago masimulan ang unang trial.
Tinututukan din ng NIH ang worst scenario sa nCoV na maaaring mas tumindi pa ang outbreak.
Samantala, sinasabing gumagawa na rin ang pribadong kumpanyang Johnson and Johnson ng bakuna kontra sa naturang virus at gagamitin umano ng kumpanya ang teknolohiya na ginamit nila noon sa paggawa ng bakuna laban sa Ebola virus.