Handang komprontahin ng Estados Unidos ang China sa oras na ipagpatuloy nito ang maritime claims sa South China Sea.
Ibinabala ni US Pacific Fleet Commander, Admiral Harry Harris na asahan na ang pagsiklab ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo kung igigiit ng Tsina ang maritime claims nito.
Nanawagan din ang Amerika sa China na irespeto ang findings ng Arbitration Court sa Netherlands na pumapabor sa territorial claims ng Pilipinas na inaasahang maiipit sa banggaan ng dalawang makapangyarihang bansa.
Lalong uminit ang tensyon nang kausapin ni US President-elect Donald Trump sa telepono ang Pangulo ng Taiwan na ikinagalit ng Tsina kaya’t naghain ng diplomatic protest ang Beijing.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters