Nanindigan ang Amerika na tuloy pa rin ang kanilang operasyon sa South China Sea sa kabila ng mariing pagtutol dito ng Beijing.
Iyan ang matigas na pahayag ni US Defense Secretary Jim Mattis sa harap na rin ng pagiging agresibo ng China sa bahaging iyon ng karagatan.
Giit ni Mattis, tila nakalimot na umano ang China dahil sa maituturing pa ring international waters ang South China Sea kaya’t malaya ang alinmang bansa sa mundo na makapaglayag duon.
Magugunitang napaulat nuong isang linggo lamang ang paglalayag ng dalawang US Navy Warship sa South China Sea pero hinarang ito at tinaboy ng Chinese Navy at Coast Guard.
—-