Walang balak kumalas ang Amerika sa pakikipag-alyansa nito sa Pilipinas sa kabila ng mga maaanghang na salitang kanilang natatanggap mula kay Pangulong Rodrigo Duterte
Ito’y makaraang sabihin ng Pangulo ang mga katagang “go to hell” kay Pangulong Obama na kumakatawan sa buong Amerika sa harap ng mga lokal na opisyal sa Makati City kamakalawa
Ayon kay US State Department Deputy Spokesman Mark Toner, pinahahalagahan ng Amerika ang relasyon nito sa Pilipinas na aniya’y sinubok na ng panahon
Sa kabila ng pahayag ng Pangulo, mananatiling matatag at sing tigas ng bakal o iron clad ang bilateral relationship ng dalawang bansa kasama na ang ugnayan ng mga mamamayan nito
Gayunman, tumanggi na si Toner na magbigay ng reaksyon o komento hinggil sa panibagong pahayag ng Pangulo laban sa Amerika
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco