Aminado si US Defense Secretary James Mattis na hindi na nakatutok ang Amerika sa “War on Terror.”
Ayon kay Mattis, nakatuon na ang atensyon ng Estados Unidos sa lumalawak na banta ng mga kapwa makapangyarihang bansa sa pangunguna ng China at Russia.
Ang paglawak anya ng impluwensya ng China at Russia sa larangan ng trade at defense ang isa sa pinaka-malaking hamong kinakaharap sa ngayon ng Amerika.
Magugunitang ilan sa mga dating kaalyado ng Amerika ang nagsimula ng kumiling sa Russia o China gaya ng Turkey.