Iginiit ngayon ng Estados Unidos na hindi sila kaaway ng North Korea.
Ginawa ni US Secretary of State Rex Tillerson ang pahayag sa gitna na rin ng patuloy na pag-init ng tensyon sa Korean Peninsula.
Sinabi ni Tillerson na hindi nila hinahangad na magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng NoKor.
Binigyang diin ng opisyal na ang Amerika pa nga ang nag-aalok ng diyalogo sa Hilagang Korea.
Sa huli, sinabi ni Tillerson na NoKor ang nagbabanta sa Amerika kaya’t kinakailangan lang nilang tumugon sa bantang ito.