Inaasahang magpapataw ng karagdagang sanctions ang Amerika sa Iran.
Ito’y bilang tugon sa inilunsad na medium-range ballistic missile test ng Iran noong linggo.
Kabilang sa mga inaasahang papatawan ng mga sanction ang mga business interest ng Iran.
Ayon sa US government, dapat maramdaman ng Iranian leaders ang pressure upang mapilitan ang mga ito na itigil ang kanilang mga aktibidad mula sa missilte testing hanggang sa pag-suporta sa mga teroristang grupo.
Samantala, ibinasura ni US President Donald Trump ang hirit ng mga senador na maglunsad ng military action laban sa Iran dahil maaari itong magresulta sa digmaan.
By Drew Nacino