Kinundena ng Estados Unidos ang nangyaring pag-atake ng mga terorista sa Las Ramblas Barcelona, Spain na ikinasawi ng nasa 13 katao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa.
Sa Twitter account ni US President Donald Trump kanyang ipinahayag ang pagkundena sa terror attack ay nangakong gagawin ang lahat para makatulong sa mga naging biktima.
Sinabi naman ni dating Us President Barrack Obama na nakikiisa silang mag-asawa sa mga Espanyol at iniisip ang kalagayan ng mga naging biktima ng pag-atake sa Barcelona.
Magugunitang tatlong magkakasunod na pag-atake ang nangyari sa Barcelona, Cambrils at Alcanar.