Nababahala si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na lalo lamang lalala ang sitwasyon sa South China Sea kapag naki-alam na rito si US President Donald Trump.
Ito ang reaksyon ni Zarate sa naging alok ni Trump na mamagitan sa China at mga claimant countries para mapahupa ang tensyon sa agawan sa teritoryo.
Para kay Zarate, gumagawa lamang ng hakbang ang Amerika para malamangan ang iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas dahil malinaw aniyang may sarili itong interes sa usapin.
Dahil dito, hinimok ni Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na igiit ang soberanya ng Pilipinas at ang karapatan nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa halip na makinig sa mapanlinlang na si Trump.
SMW: RPE