Mas palalakasin pa ng Estados Unidos ang kanilang mga operasyon kontra sa IS o Islamic State sa Northeastern Syria.
Kasunod ito ng pagkakapatay sa leader ng teroristang grupo na si Abu Bakr Al-Baghdadi.
Ayon sa isang senior official ng state department, hindi mangangahulugan na iiwanan na ng Amerika ang laban sa Islamic State sa naging anunsyo ni US President Donald Trump na kanila nang iwi-withdraw ang US Force sa Northern Syria.
Aniya, nakatakda nilang talakayin ang pagpapatuloy ng kanilang mission kontra ISIS sa gaganaping foreign ministers meeting sa Washington sa November 14.