Personal na inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang panibagong screening procedures para sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Trump na kaagad susuriin ang mga pasahero kung may sintomas ito ng COVID-19 lalo na ang mga nanaggaling sa itinuturing na high risk countries.
Una nang sinabi ni Trump na maliban sa China, pinaiigting din ang screening sa mga nanggaling sa Italy, South Korea at Iran.
Kaugnay nito, pinabilisan pa ng Amerika ang produksyon ng face mask at test kits kasabay nang pagkukumahog ng U.S. government na makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Ipinabatid ni U.S. health and human services secretary Alex Azar na nasa 75,000 test kits na ang uubra nang magamit at dadagdagan nila ito sa mga susunod pang linggo.
Ayon kay Vice President Mike Pence, may kinontrata na silang kumpanya para gumawa ng dagdag na 35-million respiratory masks.