Magpapadala muli ang Amerika ng mga warship malapit sa mga artificial island na ginawa ng China sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ng U.S. Defense Department matapos maglayag sa paligid ng Subi reef ang USS Lassen na ikinagalit ng China.
Dahil dito, ipinatawag ng China ang U.S. Ambassador sa Beijing upang ipaliwanag ang panghihimasok ng Amerika sa mga Chinese territory na isa umanong banta sa kanilang soberanya at seguridad.
Gayunman, hindi idinetalye ng U.S. kung kailan muli sila magdedeploy ng mga barkong pandigma sa mga pinag-aagawang teritoryo.
By: Drew Nacino