Muling nagpakawala ng inter-continental ballistic missile ang Amerika sa gitna ng tensyon sa Korean Peninsula.
Ini-launch ang UN-armed “Minute Man 3” missile sa Vandenberg Air Force Base sa California at naglakbay ng mahigit 4,000 milya patungo sa target sa Marshall Islands sa Pacific Ocean.
Ito na ang ika-apat na beses na nagsagawa ng missile launch ang Estados Unidos ngayong taon.
Samantala, nagsagawa rin ng anti-satellite missile test ang China kung saan ilang pawang mga kahawig ng US Thaad Missile Batteries at F-22 fighter jet ang naging mock target.
vs. North Korea
Samantala, dapat nang maglatag ng mas mahigpit na aksyon laban sa North Korea sa gitna ng missile at nuclear weapons program nito.
Ito ang ipapanawagan ni US Secretary of State Rex Tillerson sa China at iba pang Asian country sa oras na bumisita siya sa pilipinas para sa ASEAN Ministerial Meetings, ngayong linggo.
Ayon kay Susan Thornton, Acting Assistant Secretary of State for East Asia, magkakaroon ng pagkakataon si Tillerson na makausap ang mga Foreign Minister ng China at Association of Southeast Asian Nations sa Maynila.
Nakatakdang dumating sa Pilipinas si Tillerson sa Sabado, Agosto 6 o sa closing ceremony ng regional meetings.
By Drew Nacino