Nagdagdag pa ng ayuda ang Estados Unidos para sa paglaban ng Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Halos $6-milyon o P298-milyon ang ibinigay ng Estados Unidos bilang karagdagan sa nauna nang mahigit sa $9-milyong ayuda.
Ayon sa U.S. Embassy, bilang bahagi ng bagong ayuda ay makikipag-ugnayan ang U.S. Agency for International Development sa 18 local government units ng mga lugar na lubhang apektado ng COVID-19 pandemic.
Tutulong anila ang usaid sa epektibong papapatupad ng mga hakbang para labanan ang COVID-19.