Mistulang naghahanda na sa digmaan ang Amerika sa gitna ng tensyon sa Korean Peninsula.
Daan-daang tropang Kano na ang ipinadala sa South Korea bilang paghahanda sa isa pang missile test na isagawa ng North Korea anumang araw.
Labindalawang F-16 fighter jets din ang ide-deploy sa Kunsan Air Base sa SoKor.
Samantala, na-monitor ng US Intelligence Agencies ang hindi pangkaraniwang galaw ng isang North Korean submarine.
Kumbinsido ang Amerika na isasagawa ang panibagong missile test ng NoKor sa dagat at magmumula ang sinasabing inter-continental ballistic missile na pinangangambahang lagyan ng nuclear warhead.
By Drew Nacino