Nag – deploy na ng drone ang Amerika sa Mindanao.
Ang nasabing drone, ayon sa US embassy ay dagdag na surveillance bilang suporta sa anti-terrorism campaign ng Pilipinas.
Ipinabatid ng US embassy na ang Gray Eagle Unmanned Aircraft Systems ay mayroong mas mahabang flight duration para sa mas malawak na reconnaissance at surveillance areas.
Palasyo pinagpapaliwanag kaugnay sa pag-deploy ng Amerika ng drone
Kinundena ni ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio ang pag-deploy ng Amerika ng isang drone nito sa Mindanao.
Sinabi ni Tinio na ang paged-deploy sa Gray Eagle Unmanned Aircraft Systems ay malinaw na pakikialam ng Amerika sa krisis sa Mindanao.
Ayon kay Tinio, ang gray eagle ay upgraded version ng predator drone na armado ng four precision guided hellfire missiles na uubrang umatake at sumira ng mga target sa ground.
Dahil ditto, pinagpapaliwanag ni Tinio ang Malakanyang kung bakit nito hiniling at binigyan ng ‘go signal’ ang US government para mag-deploy ng combat drone.
______