Nagpadala ng karagdagang tropa ang Estados Unidos sa Syria bilang suporta sa pagbawi sa Raqqa na hawak pa rin ngayon ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.
Nasa 400 sundalo kabilang ang US marines ang ipinadala ng Amerika para tumulong US special forces na matagal nang nasa Syria.
Samantala, 20 sibilyan naman ang nasawi sa inilunsad na airstrikes ng US LED Coalition malapit sa naturang siyudad.
Kabilang sa mga nadamay sa pag-atake kontra ISIS ang ilang mga bata.
By Ralph Obina