Nagpalipad din ang Estados Unidos ng mga nuclear-capable bomber aircraft sa paligid ng pinag-aagawang Spratly islands.
Ayon sa US Defense Department, dalawang B-52 strategic bombers ang pinalipad ng kanilang Pacific Airforce sa loob ng dalawampung tatlumpu’t dalawang kilometro mula sa mga isla.
Gayunman, itinanggi ng U.S. Pacific air forces na lumipad malapit sa mga artificial islands ng China.
Nilinaw din ng Pentagon na nagsasagawa ng “routine training mission” ang mga nasabing aircraft na nagmula pa sa air force base sa guam at patungong Diego Garcia island sa Indian ocean.