Nagpamalas ng kanilang puwersa ang Amerika laban sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y makaraang lumayag sa nasabing karagatan ang US aircraft carrier na USS John Stennis nitong Biyernes kung saan, nagpalipad pa ng mga fighter jets para magpatrulya sa lugar.
Lulan ng nasabing barko sina US Defense Secretary Ashton Carter at Defense Secretary ng Pilipinas na si Voltaire Gazmin.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Carter na hindi kuwestyon ang kanilang pagpunta roon kundi ang inaasal ng Tsina na siyang nagpapainit sa tension.
Ginawa ni Carter ang pahayag makaraang kuwestyunin ng Beijing ang anila’y ginagawang militarisasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo na nagiging banta umano sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
By Jaymark Dagala