Nagsagawa ng airstrike ang Amerika laban sa Taliban Fighters sa Afghanistan.
Ilang oras ito matapos ang pag-uusap sa telepono nina U.S. President Donald Trump at Taliban Chief Negotiator Mullah Abdul Ghani Baradar.
Una nang inakusahan ng Amerika ang Taliban na nasa likod ng pag-atake sa Afghan National Defense and Security Forces Checkpoint.
Ayon kay U.S. Forces in Afghanistan spokesman Col. Sonny Leggett, isang drone attack na defensive strike ang ginawa nila sa bahagi ng Nahr-e Saraj, Helmand.