Welcome pa rin ang mga Pilipino sa Amerika.
Ayon ito kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa kabila nang pagtawag ni US President Donald Trump sa Pilipinas bilang terrorist nation at pagkakasa ng travel ban sa iilang bansa.
Sinabi ni Sung na tuluy-tuloy ang pag-proseso nila ng Pinoy visa applicants.
Sa katunayan aniya ay noong 2016 lamang ay mahigit dalawandaang libong (200,000) visa para sa Pinoy visa applicants ang na proseso ng kanilang non-immigrant visa unit.
Binigyang diin ni Sung na kahit kailan ay bukas ang Amerika sa mga immigrant na tulad niya gayundin ng lolo ni Trump.
Kailangan lamang aniyang ma-refine ang mga detalye inihayag ni Trump sa kautusan nito hinggil sa isyu ng immigrants.
By Judith Larino | DWIZ File Photo