Nanguna ang Amerika sa mga bansang nangunguna sa pagpapakalat ng fake news.
Sumunod dito ang Russia at China.
Batay ito sa taunang survey ng Ipsos group, isang global market research and consulting firm na may headquarters sa Paris, France.
Ayon sa survey, 86% ng mga gumagamit ng internet ang naloko na sa fake news kayat nais nilang kumilos ang kanilang pamahalaan at social media companies para sugpuin ang pagkalat ng ma-pekeng balita.
Pinakatalamak ang paglabas ng fake news sa Facebook subalit lumalabas rin ang mga ito sa Youtube, blogs at Twitter.
Ang survey ay isinagawa mula December 21, 2018 hanggang February 10, 2019.