Nanindigan si US President Donald Trump sa pagpapatayo ng border wall.
Ayon kay White House Counsellor Kellyanne Conway, posibleng maisakatuparan ito sa mga susunod na buwan o hanggang sa susunod na taon.
Sa kanyang Twitter account, binatikos naman ni Trump ang mga nagpapakalat ng balitang hindi na nito itutuloy ang pagtatayo ng border wall.
Tinawag ng US President na mga pekeng media ang nagpapakalat ng naturang balita na hindi aniya alam ang kagandahang maidudulot ng border wall sa Amerika kabilang ang pagpigil sa paglaganap ng droga, human trafficking at iba pa.
Matatandaang binabatikos ang planong pagtatayo ng border wall ng administrasyon ni Trump na gagastusan ng 1.4 na bilyong dolyar.
By Ralph Obina
Amerika nanindigan sa pagpapatayo ng border wall was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882