Humihingi ng paliwanag ang isang international medical organization kaugnay sa airsrtike na inilunsad umano ng Amerika na tumama sa isang ospital sa Kunduz, Afghanistan at nagresulta sa pagkakasawi ng 19 na katao at ikinasugat ng 37 iba pa.
Ayon sa grupong Doctors Without Borders, kinokondena nila ang air strike na isa anilang paglabag sa international humanitarian law.
Bukod sa Amerika na una nang nagsabi na magasasagawa sila ng imbestigasyon, ay nanawagan din ang grupong Doctors Without Borders na maglunsad din ng indepedendent investigastion kaugnay sa naganap na air strike.
Sa ngayon, ayon sa grupo, marami pang staff at pasyente ng nasabugang ospital ang hindi pa naitatala kayat posible pa umanong dumami pa ang bilang ng mga patay at sugatan.
By: Jonathan Andal