Pinayagan ng gobyerno ng Japan ang paglalagay ng aegis missile interceptor system mula sa Amerika laban sa banta ng North Korea.
Matatandaang dalawang beses nang tinarget ng NoKor ang Japan ngayong taon at nagbanta pang palulubugin ang naturang bansa sa dagat.
Sa naging cabinet meeting, binigyang – diin ng Tokyo na kailangan nitong depensahan ang bansa laban sa anomang pagbabanta.
Umaabot sa 200 – billion – yen o 1.8 billion dollars ang naturang radar system.