Hindi inaasahan na babalik ang Amerika sa mga lockdown kahit pa mataas ang COVID-19 infection dahil sa banta ng Delta variant.
Ito ang pahayag ni Dr. Anthony Fauci US-Director of the National Institute of Allergy and Infection Diseases.
Ayon pa kay Fauci, hindi sapat ang bilang ng tao sa kanilang bansa para sa nasabing outbreak pero naniniwala siya na hindi sila hahantong sa sitwasyon nitong nakaraang winter. — sa panulat ni Rex Espiritu.