Nagpahayag ng suporta ang United States kaugnay sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.
Sa inilabas na pahayag ng White House, buo ang tiwala at suporta ni US President Joe Biden sa pagpapalawak sa maritime at tactical capacity ng AFP.
Ayon sa US Administration Official, ang suporta ng kanilang bansa ay bahagi ng pagpapakita ng malalim na alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika.
Bukod pa dito, tatlong eroplanong C-130 at ilang cyclone-class coastal patrol vessel din ang ibinigay ng US para mapanatili ang matatag na ugnayan at depensa ng bansa.
Matatandaang nito lamang Abril a-trenta, umalis sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong Washington, D.C., para sa kaniyang limang araw na official visit upang talakayin ang mahahalagang isyu na magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa.