Umukit ng kasaysayan sa Olympics ang US fencer na si Ibtihaj Muhammad.
Ito ay dahil sa siyang ang kauna-unahang Amerikana na lumahok sa Olympics suot ang kanyang Hijab.
Umagaw ng atensyon ang porma ni Muhammad na suot ang kanyang itim na Muslim headscarf sa ilalim ng pula, asul at putting mask sa laban nito kontra France sa round 16 individual saber event.
Ayaw hubarin ni Muhammad ang kanyang Hijab sa pag sumisimbolo aniya ito sa kanyang pananampalataya bilang Muslim.
Bagamat di pinalad sa laban masaya pa rin si Muhammad na naipakita niya sa buong mundo na may kakayanan ang mga gaya niyang babaeng Muslim.
By: Ralph Obina