Arestado ang isang dating US Defense Intelligence Agency matapos umanong magtangkang mag-espiya sa Amerika para sa China.
Kinilala ang suspek na si Ron Rockwell Hansen, 58-anyos.
Inaresto ng mga operatiba ng Federal Bureau of Investigation o FBI si Hansen sa Seattle Airport habang patungo sa kanyang flight pa-China.
Ayon sa Justice Department, tinangka umano ni Hansen na ipadala ang national defense information sa China at tumatanggap din ito ng walongdaang libong (800,000) dolyar bilang Chinese agent.
—-