Kalaboso ang isang Amerikano makaraang mahuling may kasamang menor de edad sa loob ng isang motel sa Ramos St., Cebu City.
Ayon sa Women and Children Protection Center o WCPC Visayas Field Unit, nakuha sa condo unit ng 63-anyos na dayuhan ang ilang gamit tulad ng lubricant, posas, swimsuit, at notebook kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga babae at halaga ng binayad ng suspek.
Sa bisa ng search warrant, hinalughog ang condo ng kano na pabalik-balik sa Cebu simula pa noong 1980.
Sinasabing nagsumbong sa WCPC ang Federal Bureau of Investigation o FBI ukol sa gawain ng suspek na nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.