Inaresto na ang suspek na si Tammel Esco, 42-anyos at nahaharap sa kasong Attempted Murder at Assault as a Hate Crime o ang tangkang pagpatay at pag-atake sa biktima na itinuturing bilang isang krimen.
Matatandaang binugbog ng suspek na si Esco ang isang Filipino worker sa New York na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital dahil sa natamong pagdurugo at pagkabali sa mukha at ulo nito.
Ayon kay Elmer Cato, Philippine Consulate General sa New York Consul, nakikipagugnayan na sila sa mga kaanak ng biktima.
Dahil dito, kinondena ng ilang opisyal ng Asian American Democratic Committee, mga mambabatas, at Yonkers Mayor Mike Spano ang nangyaring insidente.
Samantala, tiniyak naman ng mga otoridad sa New York ang seguridad sa mga Filipino at Asian Communities, na handa itong tumulong sa kanila at isumbong ang mga katulad na insidente.
Ayon sa Philippine Consulate General sa New York, karamihan sa mga nahuhuling sangkot sa pananakit ay may mga dati nang kaso at may problema sa pag-iisip.
Nagpaalala naman ang konsulada sa Filipino communities na maging alerto, mag ingat at iwasan ang dumaan sa mga madidilim na lugar gaya ng subway dahil maroon nang insidente ng panunulak sa mga biktima sa riles.
Mayroon na ring self-defense training na ibinibigay tuwing Lunes na isinasagawa ng mga Filipino-American self-defense expert. —sa panulat ni Angelica Doctolero